MGA NATUTUNAN SA ASIGNATURANG FILIPINO 1

       ANG ASIGNATURANG FILIPINO 1 AY HINDI MASYADONG MAHIRAP NA ASIGNATURA SAPAGKAT HINUNANG ITO PARA PALAWAKIN ANG ISIP NG BAWAT PILIPINO. MARAMING MGA BAGAY NA NAG UDYOK SAKIN PARA PAG ARALAN ANG ASIGNATURANG ITO. ISA NA DOON ANG AKING PAGIGING PILIPINO. BILANG ISANG PILIPINO RESPONSIBILIDAD NATIN NA MALAMAN ANG MGA KINAGISNAN NG ATING BAYAN AT ANG MGA WIKANG GINAMIT NATIN NOON. SA PANAHON NGAYON, ILANG MGA BATA AY HINDI ALAM ANG MGA PANGYAYARI O ANG MGA REBOLUSYON NG ATING SARILING WIKA. 
      
        MAARING ANG IBA ANG HINDI ALAM ANG SARILIN KAHULUGAN NG WIKA. NATUTUNAN KO NA ANG WIKA AY ANG PINAKAMAHALANG BAGAY NA NANGYARI SA EBOLUSYON NG MGA TAO. ANG WIKA AY ANG SISTEMA NG MGA SAGISAG NA BINUBUO NG TUNOG O KAYA MGA PASULAT NA MGA LETRA. NATUTUNAN KO NA ANG WIKA ANG NAGSILSILBING NAGPAPALIWANAG NG NAIS IPAHATID NG BAWAT TAO SA KAPWA.
 
        NATUTUNAN KO RIN NA HINDI MABUBUO ANG KOMINIKASYON KAPAG WALANG GINAMIT NA WIKA O LENNGWAHE. GANUN DIN NAMAN ANG KOMUNIKASYON, ANG KOMUNIKASYON AY BINUBUO NG WIKA. NATUTUNAN KO NA ANG KOMUNIKASYON AY ANG PAGPAPAHAYAG, PAGHAHATID AT PAGBIBIGAY NG IMPORMASYON SA MABISANG PARAAN. SA PANG ARAW-ARAW NA PANGYAYARI SA ATING BUHAY HINDI NATIN NAPAPANSIN NA NAKAKABUO NA TAYO NG PAGKAKAISA GAMIT ANG SAKTONG GAMIT NG ATING WIKA. NATUTUNAN KO NA ANG LAHAT NG WIKA NG TAO AY NAGMULA SA TUNOG. ITO AY BUMUBUO NG MGA SIMBOLO NA BINUBUO NG BISWAL, GUHIT O HUGIS. NATUTUNAN KO ANG GALAW NG WIKA NG TAO AY TUMUTUKOY SA EKSPRESYON NG MUKHA AT ANG KILOS AY TUMUTUKOY SA KUNG ANO ANG NAIS IPAHIWATIG SA PAGGALAW NG KATAWAN NA PAMAMARAAN.
 
        ISA NARIN SA AKING NATUTUNAN SA YUNIT 1 AY ANG MGA GAMIT NG WIKA. SA MGA NAKIKITA NATIN SA PALIGID MAARING ITO AY ISANG PORMA NG WIKA.
ISA NA DITO ANG GAMIT SA TALASTASAN, LUMILINANG ANG PAGKATUTO, SAKSI ITO SA PANLIPUNANG PAGKILOS, MAARING ITO AY LALAGYAN O IMBAKAN, ITO RIN AY NAGSISIWALAT NG DAMDAMIN NG TAO AT HIGIT SA LAHAT NAPAPALINANG ANG IMAHINATIBONG PAGSULAT.

       NATUTUNAN KO ANG KATEGORYA AT KAANTASAN NG WIKA. ANG KATEGORYA O KAANTASAN NG WIKA AY NAHAHATI SA DALAWA ITO ANG PORMAL AT DI-PORMAL. ANG PORMAL NA WIKA ANG ANG WIKANG GINAGAMIT O KINIKILALA NG NAKAKARAMI. ANG PORMA NA WIKA AY MAY DALAWANG ANTAS. ITO ANG WIKANG PAMBANSA AT WIKANG PAMPANITIKAN. ANG WIKANG PAMBANSA AY GINAGAMIT SA PAMAHALAAN AT MGA AKLAT PANGWIKA SA PAARALAN. HALIMBAWA NITO ANG  MGA: MALAYA, TAHANAN, EDUKASYON. ANG WIKANG PAMPANITIKAN AY NAHIRAPAN KONG NATUTUNAN DAHIL MAY PAGKAHAWIG ITO SA WIKANG NAUNA. NGUNIT NATUTUNAN KO NA RIN NA GINAGAMIT ITO SA AKDANG PAMPANITIKAN. MAARING ITO AY MASINING AT MALIKHAIN ANG PAGKAKAGAWA NITO. HAL: HARAYA, SILAY, KABIYAK, SALINLAHI.
        ANG IKALAWANG KATEGORYA AY ANG DI-PORMAL. PINAKARANIWANG KAHULUGAN NG MGA TAO DITO AY ITO ANG WIKANG MADALAS GAMITIN SA PANG-ARAW-ARAW NA PAKIKIPAG-USAP. NAHAHATI ITO SA TATLONG ANTAS. UNA DITO ANG WIKANG PANLALAWIGAN. ANG WIKANG PANLALAWIGAN AY MGA SALITANG DILEKTAL. GINAGAMIT ITO SA PARTIKULAR NA POOK O LUGAR. IKALAWA NAMAN ANG WIKANG BALBAL. ANG BALBAL AY SLANG SA INGLES. NATUTUNAN KO NA ITO AY NAGBABAGO SA PAG USAD NG PANAHON. ANG PANGHULI NAMAN AY ANG WIKANG KOLOKYAL. ITO AY ANG MGA SALITANG GINAGAMIT SA PANG-ARAW-ARAW NA PAKIKIPAGTALASTASAN. 

        KAGAYA NG SINABI KO, ANG WIKA AY NAKAKABUO NGA KOMUNIKASYON. NATUTUNAN KO NA PAG IKAW ANG NAGPAPADALA NG MENSAHE AT IKAW RIN ANG TAGATANGGAP ANG TAWAG NITO AY INTRAPERSONAL.  ANG INTERPERSONAL NAMAN AY ANG ANTAS NG KOMUNIKASYON NA NANGYAYARI SA PAGITAN NG DALAWANG TAO. ANG ORGANISASYONAL NAMAN AY NANGYAYARI ANG KOMUNIKASYON SA LOOB NG ISANG ORGANISASYON. 

      MODELO NG KOMUNIKASYON.


       NATUTUNAN KO NA MAY TATLONG URI PALA NG KOMUNIKASYON. 
  1. KOMUNIKASYONG PABIGKAS- ANG PINAKAPUNDASYON NG ANUMANG WIKA AT PAGSASALING-KALINANGAN NG MAHABANG HENERASYON.
  2. KOMUNIKAYONG PASULAT- AY ISA SA MAHALANG SALIK NG KAALAMAN AT EDUKASYON NG TAO.
  3. PAMAMAGITAN NG KOMPYUTER- ITO AY DULOT SA PAGPASOK NG INTERNET.

             SA ATING WIKANG GINAGAMIT SA PANAHONG ITO. HINDI NATIN ALAM ANG MGA PINAGDAANAN NITO UPANG MAGING OPISYAL. MAAARING NGAYON AY ANG IBA AY KINIKILALA ANG MGA EBOLUSYON NG ATING WIKA. NATUTUNAN KO ANG KASAYSAYAN NG PAMBANSANG PAGPAPLANO SA WIKA. 
             
             NATUTUNAN KO NA ANG ATING WIKA ANG NAKADAAN NG PITONG YUGTO. UNANG WIKA NA GINAMIT NATING MGA PILIPINO AY ANG WIKANG INGLES NA DINALA NG MGA AMERIKANO NOONG 1901. UNANG YUGTO NG WIKANG TAGALOG AY ITO YUNG YUGTO KUNG KAILAN UNA ITONG KINILALA BILANG WIKANG PAMBANSA NOONG 1935. SUMUSUNOD DITO ANG IKALAWANG YUGO NG WIKANG TAGALOG KUNG KAILAN UNA ITONG GINAWANG ISANG ASIGNATURA SA PAARALAN NOONG 1940.

             SUMUSUNOD DIN NAMAN ANG UNANG YUGTO NG WIKANG PILIPINO. ITO YUNG YUGTO KUNG KAILAN ANG TAGALAOG AY PINALITAN NG PILINO NOONG 1959.
NOONG IKALAWANG YUGTO NG WIKANG PILIPINO AY ANG WIKANG PILIPINO AY GIAWANG OPISYAL NA PANG AKADEMIKONG GAMIT NGUNIT TINANANGGALAN NG KATAYUAN BILANG WIKANG PAMBANSA NOONG 1973.

             NALAMAN KO NA ANG UNANG YUGTO NG WIKANG FILIPINO AT ANG IKALAWANG YUGTO NG WIKANG FILIPINO AY MULING KINILALA BILANG WIKANG OPISYAL, PANG-AKADEMIKO AT PAMBANSA AT PINANGALANANG FILIPINO NG KONSTITUSYON NOONG 1987.

           KASAMA SA AKING NATUTUNAN NA ANG BILINGGWALISMO AY TUMUTUKOY SA KAKAYAHAN NG ISANG TAO NA BUMIGKAS NG DALAWANG LENGWAHE. ANG MULTILINGGWALISMO AY TUMUTUKOY SA KAKAYAHAN NG TAO BUMIGKAS NG HIGIT SA DALAWANG LENGGWAHE. 

           SA PAGPAPALAWAK NG DISCUSSION NAPUNTA KAMI SA SOSYOLEK, DIYALEKTO IDYOLEK AT ANG REHISTRO. NATUTUNAN KO NA ANG SOSYOLEK ANG URI NG WIKA NA NILIKHA AT GINAGAMIT NG ISANG GRUPO. HALIMBAWA NITO ANG ANG TEXT MESSAGING NA GUMAMGIT NG JEJEMON. ANG DIYALEKTO NAMAN AY URI NG PANGUNAHING WIKA NA NABABAGO, NAGBABAGO. GINAGAMIT ITO SA ESPISIPIKONG LUGAR O REHIYON. ANG IDYOLEK NAMAN AY ANG URI NA WIKA NA GINAGAMIT LAMANG NG ISANG TAO, KAGAYA NINA KRIS AQUINO. PANGHULI, ANG REHISTRO AY URI NG WIKA NA NG MGA PROPESYON O MGA EKSPERTO KAGAYA NG ABOGADO, DOCTOR AT IBA PA.

          SA PAG-USBONG NG PANAHON KUSA NATING MALALAMAN ANG MGA KASAYSAYAN NOON KUNG PAANO UMUSBONG ANG ATING WIKA. ANG ATING WIKA AY NAGDAAN NANG MARAMING PANAHON. ANG UNANG WIKA NA GINAMIT NATING AY ANG BAYBAYIN NA UMUSBONG NOONG PANAHON NG KATUTUBO AT DAGDAAN ANG MGA ARAW AT DUMATING ANG PANAHON NG PAGIGING STABLE NG ATING WIKA.

          SA YUNIT II NG FILIPINO, NAGTATALAKAY ITO NG MGA GAMIT NG WIKA SA ATING LIPUNAN. UNANG GAMIT NITO AY ANG INSTRUMENTAL. NALAMAN KO NA ANG WIKANG INSTRUMENTAL AY NAGPAPAHAYAG NG DAMDAMIN, PAGHIHIKAYAT, DIREKTANG PAG-UUTOS AT PAGTUTURO AT PAGKATUTO. ANG SUNOD NA GAMIT AY BILANG REGULATORYO. NATUTUNAN KO NA ANG WIKA AY REGULATORYO KUNG ITO AY NAGSASAAD NG BATAS O KAUTUSAN. MAAARI DIN ITONG PATAKARAN AT ANG REGULATORYO AY PWEDENG BISWAL, BERBAL AT DI NASUSULAT NA TRADISYON. ILANG MGA HALIMBAWA NITO AY SALIGANG BATAS, BATAS NG REPUBLIKA, ORDINANSA, POLISYA AT REGULASYON. ANG IKATLO ANG ANG GAMIT NG WIKA BILANG INTERAKSYONAL. ALAM NAMAN NATIN NA ANG WIKA AY NAKAKABUO TALAGA NG INTERAKSYON SA KAPWA. SA PANAHON NGAYON, ANG PAKIKIPAG INTERAKSYON AY GINAGAMITAN NA NG MEDIA KAGAYA NG MESSENGER, EMAIL, GROUP CHAT AT IBA PA. ANG IKAAPAT NA NA GAMIT AY ANG PERSONAL. ANG PERSONAL AY NAKATUON SA IYONG PERSONAL NA BUHAY O PERSONAL NA NINANAIS. KAGAYA NG AWTOBIOGRAPIYA, BIOGRAPIYA, SANAYSAY AT IBA PA. ANG SUMUNOD AY ANG GAMIT NG WIKA BILANG IMAHINATIBO. ANG IMAHINATIBONG GAMIT NG WIKA AY GINAGAMITAN NG MALIKHAING PAG-IISIP NG ISANG TAO. PANTASYA, MITO, ALAMAT, KWENTONG BAYAN AT SCI FI AY ANG MGA HAMLIMBAWA NG IMAHINATIBONG GAMIT NG WIKA. SA PAGWAWAKAS NAMAN AY ANG HEURISTIKO AT REPRESENTATIBO. ANG DALAWANG ITO AY DI DAPAT MAGKAHIWALAY. ANG HEURISTIKO ANG MGA TANONG AT SAGOT, PAG-IIMBESTIGA, PAG-EKSPIREMENTO KUNG TAMA O MALI. ANG REPRESENTATIBO ANG PAGPAPALIWANAG NG DATOS NA NAKUHA GALING SA BAYAN. MAY APAT NA YUGTO ANG HEURISTIKO AT REPRESENTATIBO TUNGO SA MAUGNAYING PAG-IISIP.
  • PAGGAMIT NG SINTIDO KUMON
  • LOHIKAL NA PAG-IISIP
  • KRITIKAL NA PAG-IISIP
  • MAUGNAYING PAG-IISIP
PARTE DITO ANG POWERPOINT PRESENTATION. ANG PPT AY GALING SA MICROSOFT APPLICATION NA ISANG PAMAMARAAN NG PAG UULAT AT PAG BIBIGAY IMPORMASYON SA MAS KAAKIT AKIT TINGNAN.

     NATUTUNAN KO RIN ANG MGA PANANDA PARA SA KOHESYONG GRAMATIKAL
  1. ANAPORA- PANGNGALAN |+ PANGHALIP
  2. KATAPORA- PANGHALIP + PANGNGALAN
  3. PANGATNIG- AT SUBALIT KAYA O DAHIL SA
  4. PANANDANG SALITA- PAGKASUNOD-SUNOD, PAGHAHAMBING, PAGKAKAIBA, PAGDIDIIN, DALOY NG PANAHON AT PAGWAWAKAS.
SAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA WAKAAAAAAAAAAAAAAASSSSSSS NATAAAAAAAAAAAPOSSSSSSSS DIN
              ANG HULI SA LAHAT NG HULI NA HINDI NAGPAPAHULI ANG ANG WIKANG FILIPINO AT MASS MEDIA. ANG MASS MEDIA ANG TINUTURING NA PINAKAIMPLUWENSYAL NA NAGLALAHAD NG MGA ULAT. ANG MASS AY TUMUKOY SA MGA IMPORMASYON NA GALING SA BAYAN AT ANG MEDIA NAMAN ANG TAWAG SA MGA TAONG BINIBIGYAN NG IMPORMASYON.

          SAMAKATUWID, ANG MASS MEDIA AY KUMIKITA DAHIL SA PAGGAWA NG MGA PATALASTAS NG MGA ADVERTISING AGENCY AT MGA SURVEY NG MGA TAO. NATUTUNAN KO NA ANG RADYO PALA ANG MEDIA NG MASA DAHIL SA MURA NITONG HALAGA AT MAHIGIT 600 NA MGA STASYON.
ANG PANONOOD ANG IKALIMANG KASANAYANG PANGWIKA. MGA URI NG PALABAS AY ANG:
  1. TEATRO- ANG TEATRO AY LIVE NA GINAGAWA 
  2. PELIKULA- KINUKUHAAN GAMIT ANG CAMERA PARA IRECORD ANG MGA SCENARYO.
  3. TELEBISYON- MIDYUM NG MGA PELIKULA
  4. YOUTUBE- VIDEO SITE.

MATUTO KA KAPAG IKAW AY NAKINIG SA INYONG TALAKAYAN KASAMA ANG INYONG GURO !  


Comments